haay.

nakakainis at napakaganda ng linggong ito o sa ibang salita ay nasa gitna lang.

positibo muna tayo..

maganda sapagkat…

naging maayos ang aming ensayo sa bahay nila denise bueno! 😀

eto ang mga nangyari..

kami ay…

  • kumain ng pansit at manok
  • nagensayo ng aming kanta
  • pinanood si gemma gumawa ng kanyang tinatawag na role playing ng mga manika
  • nagpiano
  • nag’laglagan’…
  • kumanta
  • sumayaw ng ballet
  • nagtext

o diba. may nagtext pa.

paano kami pumunta dun? una ay sumabay kami sa aming kaklaseng si mara ongkiko patungo kina alex viray. doon ay nagbihis kami sa aming sibilyan na damit at pagkatapos ay sumakay kami sa isang traysikel. mahirap humanap kahapon ng traysikel dahil umuulan ngunit sa awa naman ng Diyos ay nakasakay kami habang umaambon. nang kami ay makasakay ay sinabi namin sa drayber na ibaba kami sa select na matatagpuan sa shell sa Don Antonio. ako ay kumain ng donut, si alex ay siomai, si agie ay hotdog sandwich at sina marianne at jamie ay kumain ng picha pie. pizza yun. pagkatapos ay dumeretso na kami kina denise na nakasakay ulit sa traysikel.

teka muna. ipagpapatuloy ko na lamang ito mamaya dahil ako ay nanonood ng titanic at lumulubog na ito. haha. 😀

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s