Go SIMONE! :>


She’s a batchmate and will always be. :*
PLEASE VOTE FOR HER!
http://meggurl.com/megface/gandahari.php
http://meggurl.com/megface/gandahari.php
http://meggurl.com/megface/gandahari.php

You need to sign up and everything but please vote for her! (:

I just wanted to share with you what I wrote for my computer class.
The teacher said it SHOULD be in Filipino. I got super sabaw (soupy daw) when I was writing that kaya it got so labo. ((:

Bayanihan ba kamo? Ang aking huling seksyon sa mataas na paaralan ng Eskwelahan ng Espiritu Santo sa Lungsod ng Quezon.

Ang impresyon ko ng aking klase noong naipakita na ang mga seksyon ng bawat isa ay parang nalungkot ako. Una sa lahat, marami-rami ang aking mga kaklaseng hindi ko kilala at malay ko kung hindi rin nila ako kilala. Sunod ay hindi ko sila kaclose at yoong iba nga ay hindi ko man lang naging kaklase kahit kailan o kung hindi man ay noong mga Prep A o B lamang kami naging magkaklase. Nakalulungkot man ay ganoon talaga. Ngunit syempre ay natuwa rin naman ako dahil kung iisipin ay mayroon pa rin akong mga kaklaseng nakasama ko nang mga nakalipas na apat na taon ko sa mataas na paaralan. At ang aking iniisip na lamang ay huling taon ko na ito sa eskwelahang ito. Bawal na ang mabadtrip. (Kaya hala, tinatawa ko na lang ang 3 kong bagsak na maikling pagsusulit sa Physics)

Sa mga sumunod na mga linggo ay natutunan ko nang mahalin ang aking klase. Ngayon, mag-iisang buwan na kaming nagkakasama-sama sa klasrum naming iyon.

Maraming nakakatawa at patawa ngunit syempre, natatawa pa rin ako kahit patawa lang ang iba. Sa kabilang dako naman ay mayroong mga nakakainis na hindi ko maeksplika. Mayroon din namang iba na ‘mahirap abutin’. Bakit kamo? Simple lang. Nandoon kasi sila sa kabilang dulo ng aming klasrum kaya mahirap talagang abutin. Minsan kahit gusto ko silang kausapin at makipagtawanan ay hindi ko magawa at mapapagalitan ako ng aking guro. Kung mangyari man, hay na’ko. Hay na’ko na lang.

Pinakamaingay daw kami ngunit sabi ng ibang tao ay seksyon daw nila. Tignan niyo sa mga “blog” ng mga tao, may makikita kayong “my section is the noisiest” o ang aking klase na siguro ang pinakamaingay sa buong batch. ‘Di ko nga maisip na maingay pala kami eh pero alam ko talagang maingay kami. Kaya kung lahat kami ay PINAKA, eh di pinaka kami lahat. Bakit nga ba kami maingay? Siguro dahil ay naririnig ang aming ingay sa mga opisina ng paaralan.

At ang masasabi ko na lang: masaya siya. Masaya. ((:

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s